Friday, March 19, 2010

kasaysayan ng san Guilmo

   Bago pa man dumating ang mapanakop na kastila sa pilipinas ay may mangila-ngilan nang naninirahang pangkat ng mga tao sa rakong silangan sa paanan ng isang bundok na kung tawagin ay kay Maputi,may iba naman sa may hilaga ng ilog Morong na kung tawagin ay Kalumpang (dahil sa malaking puno nito sa gitna ng nayon).Malalayo ang kanilang mga pagitan ng kanilang mga bahy gayundin ang layo nila sa mga lupain ng kanilang sinasaka.
    Pagkalipas ng maraming taon dumating ang mga kastila at nagtayo sila ng Pamahalaan at tuluyang sinakop ang Kalumpang mahigpit na pinag utos ng Pamahalaang Kastila sa mga Pilipino na sundin ang kanilang batas.Ang dinumang lumabag ay may karampatang kaparusahan na naghihintay maraming buhay ang nasawi sa Kalumpang,subalit wala silang nagawa upang mapigilan ang kalupitan ng mga Espanyol.Kaya't nagpasyang lisanin ng mga naninirahan dito ang lugar na iun na pinamunuan nina Leon Bernardo at eduardo Aporillo pinakiusapan nilang lumipat na lang sa hilaga sa paanan ng Bulubunduking Matabuak sa Morong.
    Gayun man marami ang nabahala sa kalagayan sa katahimikan at kapayapaan ng lugar ng Kalumpang Hann\ggang sa lumaban at tuluyang nag aklas ang mga tao laban sa mga kastila sa pamumuno at tubong Kalumpang na si Heneral Guillermo na hanggang sa ikinasawi hanggang sa lumisan na ang mga dayuhan. Kaya't mula noon ang Kalumpang ay pinalitan ng San GUillermo bilang pagkilala sa Heneral.
    Nang dumating naman ang mga Hapon ang Paaralang Elementarya ng San Guillermo ay naging makasaysayan dahil dito sila nagtayo ng Garison(piitan o kulungan). Marami rito ang namatay at ibinaon.Ang mga tao ay nagsimulang lumikas sa Iba't-ibang lugar.Nang makamit ang kalayaan noong 1945 sa kamay ng mapang aping Hapon ay muli silang nagbalik sa kanilang tahanan
    Sa kasalukuyan ang San Guillermo ay isa sa pinakamalaking Baranggay sa Bayan ng Morong at hindi maipagkakaila na ang baranggay San Guillermo ay isa rin sa pinakaprogresibo dahil sa industriyang tahian, pangkabuhayan tulad ng pagtatanim ng palay at ng gulay, poultry farms, at karamihang naninirahan dito ay nagtratrabaho sa iba't-ibang panig ng Mundo.o di kya ya may mga kamag-anak doon.
(from Dyaryo San Guilmo)